Home » Opinion » Masama ba ang sariling sikap nang maysakit?

Masama ba ang sariling sikap nang maysakit?

 

By RICA CRUZ

 

Ms. Rica,

Dahil sa pabago-bagong weather condition, may time na nagkakasakit ako o nilalagnat. Pero nandun pa rin ‘yung desire ko to get off. Kaya naman minsan ay nag-mamasturbate pa rin ako. Gusto ko lang sanang malaman if may negative effects ang pagma-mastur­bate while not feeling well. Sabi kasi nila nakakababa daw ito ng immune system at puwede pa ako mabingi. Totoo po ba ‘yun?

Saturday Night Fever

 

Hi Saturday Night Fever,

Totoong high risk tayong lahat na magkasakit because of the weather. Kaya kailangan talagang bigyan ng atensyon ang ating health and immune system.

Para sa mga lalaki, mayroong evidence na may nutrients na nawawala during ejaculation pero parang mas malaki ang health benefits ng masturba­tion than the amount of nu­trients that you lose. Sa mga babae naman ay walang re­search tungkol sa nutrient loss through the vaginal fluids.

Ang alam nating ilang ben­efits ng masturbation with both genders ay ang mga su­musunod: Muscle relaxant, na­kakatulong sa pagtulog, pag­babawas ng stress, pagiging mas pamilyar sa iyong katawan at preference, nakakapagpa­ganda ng mood at self-esteem at nakakapataas ng immune system sa mga lalaki.

Makikita mo na nagkakaroon ka ng ganitong mga benefits during masturbation without side effects or the risk of hav­ing an infection. At libre pa! May mga research pa ngang dumadami ang ibang types ng white blood cells during masturbation and orgasm na na kakatulong sa iyong resistensya.

Ang mga nababawasang nutrients during ejaculation sa mga lalaki ay kagaya ng zinc, copper, at ilang vita­mins. Makatutulong siguro na sabayan mo ng paginom ng multivitamins or supplements kung patuloy ka pa ring mag­mamasturbate despite your feeling under the weather. Pero ‘wag kang mabahala, ang iyong pagsasariling sikap ay hindi dapat ma-isang tabi dahil lamang hindi maganda ang iyong pakiramdam. Baka nga mas makatulong pa ito. Hindi ka rin mabibingi dahil pinasasaya mo ang iyong sarili.

Despite the science behind this, pwede mo rin itong idis­cuss sa iyong doctor para mabigyan ka ng proper medi­cation or supplement. Sana’y guminhawa na ang iyong paki­ramdam at maging masaya pa ang iyong sex life, solo man or may partner! #takitfromthe­sexymind

With love and lust,

Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.

Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Mar­riage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

comments