Home » Entertainment » Billy Crawford, inalis o umalis?

Billy Crawford, inalis o umalis?

 

By ROWENA AGILADA

 

billy

BILLY Crawford

CLUELESS pa rin ang fans and supporters ni Billy Crawford kung bakit hindi na siya napapanood sa “It’s Show­time.” Sari-saring ispeku­lasyon ang naririnig namin.

Kesyo, may attitude problem na raw si Billy. Kesyo, diumano, nagkaroon sila ng misunderstanding ni Anne Curtis. May gano’ng isyu rin noon sina Anne at Coleen Garcia na wife ni Billy.

May isa pang ver­sion na diumano, nag-focus si Coleen sa paggawa ng pe­likula at teleserye, kaya nag-leave muna siya sa IS. Eh, bakit kaya hindi na siya nakabalik kahit natapos na niyang gawin ang movie at TV projects niya?

With Billy, hindi nanini­wala ang mga taong lubos na nakakakilala sa kanya na may attitude problem siya. Inalis nga ba siya o siya ang kusang umalis sa IS?

May tsika pang diumano, papalitan ni Ogie Alcasid si Billy. Ano nga kaya ang totoo sa pagkawala niya sa IS? Just curious!

comments