Home » Entertainment » JM de Guzman at Barbie Imperial, sila na kaya?

JM de Guzman at Barbie Imperial, sila na kaya?

 

By DELIA CUARESMA

 

JM de Guzman (IG)

JM de Guzman (IG)

ITO ang tanong ng marami nang mangahas si Barbie Imperial na mag-post ng isang sweet message sa kanyang “Araw Gabi” leading man na si JM de Guzman sa kaarawan nito.

Tila wala ngang pakialam ang dalaga kung ano man ang isipin ng iba sa post niya.

Aniya, “Salamat dumating ka sa buhay ko. Maligayang kaarawan sa iyo, Juan Miguel.”

Awww.

Ang post ay may kasamang litrato ni JM na tahimik na natutulog katabi ang isang malaking stuffed teddy bear.

Galing kaya kay Barbie ito?

comments