Home » Entertainment » Kelsey Merritt is proud to be Pinay

Kelsey Merritt is proud to be Pinay

 

By DELIA CUARESMA

 

KELSEY Merritt (IG)

KELSEY Merritt (IG)

ALTHOUGH marami ang natuwa nang nakapasok si Kelsey Merritt sa prestihiyosong Victoria’s Secret Fashion Show as an Angel – siya ang kauna-unahang Pinay na rarampa doon – marami rin ang hindi.

Ito ay dahil na rin sa hindi raw mukhang Pinay ang 21-year-old Fil-Am.

Ang malungkot, karamihan sa kanyang detractors ay kapwa Filipino.

Tsk, tsk, tsk.Oh well, at least hindi nagpatinag ang seksi’t magandang dalaga.

Sumagot si Kelsey sa mga ito para ipagtanggol ang sarili.

Ayon sa modelo, kahit hindi man siya purong Pinoy, mas Pilipino pa raw siya sa mga “pure” na Pinoy pero hindi naman nakakatapak pa sa Pilipinas.

Aniya, “Pinanganak ako sa Pilipinas at lumaki ako sa Pampanga. Tinapos ko ang pagaaral ko sa Manila bago ako lumipat sa US last year. Mas pinoy pa dugo ko kesa sa mga “pure” na hindi pa nakatapak sa Pilinipas. I love my country and I’m proud of where I came from.”

Natuwa rito ang mga tagahanga ni Kelsey.

Ani ng isa, “Kelsey Merritt is Filipino. She may have eurocentric features, but to invalidate her growing up in the Philippines and in this culture is to invalidate anyone else who has sought refuge with us, Filipinos.”

Dagdag naman ng isa pa, “I don’t understand why anyone would think Kelsey Merritt is less of a representation of Filipinos just because she has eurocentric features. The girl identifies and is a Filipino, and I think being Filipino goes beyond how you look.”

Oo nga naman!

comments