Home » Entertainment » Anak ni Ellen, John Lloyd, ibinandera?

Anak ni Ellen, John Lloyd, ibinandera?

 

By DELIA CUARESMA

 

JOHN Lloyd Cruz and Ellen Adarna (IG); Insert photo lifted from @dumpsitegallery IG

JOHN Lloyd Cruz and Ellen Adarna (IG); Inset photo lifted from @dumpsitegallery IG

USAP-USAPAN ngayon ang isang video na naka-post sa @dumpsite­gallery kamakailan.

Ito ay dahil sa may nakitang mukha ng isang sanggol sa video.

Ang account ay ang dating @ekomsi na alam ng lahat na kinu-curate ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Although walang inilagay na caption o hashtags si John Lloyd sa post, ilang netizens ang nag-speculate na ang sanggol ay ang anak nila ng partner niyang si Ellen Adarna.

‘Di kaya?

Si Atty. Rebo Sagui­sag, ang legal counsel ni Ellen ang nagkum­pirma ng panganganak ng aktres noong June 27.

Di kalaunan may mga naglabasang report na lalaki ang bata na pinangalanan diu­manong Elias Modesto.

Tahimik pa rin pareho si John Lloyd at Ellen tungkol sa balita.

Hindi pa rin sila nagsasalita tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Oh well.

comments