Home » Entertainment » Sunshine Garcia, nanay na

Sunshine Garcia, nanay na

 

SUNSHINE Garcia

SUNSHINE Garcia

NANGANAK na ang dating Sexbomb dancer na si Sunshine Garcia.

Isinilang nito ang isang healthy baby boy noong Lunes, Sept. 10, sa St. Luke’s Global City, Bonifacio Global City, Taguig.

Agad niyang ipinost ang larawan ng kanyang anak sa Instagram.

Aniya sa caption, “Our baby boy. We love you anak.”

Ang kanyang asawang si Alex Castro, ganun din ang ginawa.

Sa caption, pinasalamatan niya ang lahat ng nagdasal para sa safe delivery ni Sun­shine.

Inanunsyo ni Sunshine ang pregnancy niya noong May 31.

Congrats! (Delia Cuares­ma)

comments