Home » Entertainment » Divine Aucina, umani ng ginto

Divine Aucina, umani ng ginto

 

By RUEL J. MENDOZA

 

DIVINE Aucina (IG)

DIVINE Aucina (IG)

MASAYANG binalita ni Kapuso comedienne Divine Aucina ang pagkapanalo ng short film na tampok siya sa 2nd Viddsee Jury Philippines Awards.

Nakamit ng “Divine XY” na mula sa direksyon ni Ruelo Zendo ang Gold Award.

Ang second Viddsee Juree Philippines, ay isang festival of short films “that celebrates and supports filmmaker communities in Asia.”

Sinasalihan ito ng iba’t ibang schools tulad ng Asia Pacific Film Institute, Ateneo de Manila University, De La Salle University, De La Salle-College of St. Benilde, Far Eastern University, and the University of Philippines.

Official entry rin ang “Divine XY” sa 25th Filipino International Cine Festival 2018 in San Francisco, California.

“Divine XY directed by Ruelo Zendo won in the recent Viddsee Jury Awards, bongga! Yay! salamat at Congrats team!” simpleng pasasalamat ni Divine sa kanyang Facebook account.

Bukod sa paglabas ni Divine sa comedy anthology na “Dear Uge,” naki-join na rin ito na magkaroon ng sariling vlog.

“Talagang isinakutaparan namin itong vlog na ito na hopefully masundan dahil maganda at positive naman ang reception ng mga nakapanood na.

“Matrabaho pala ito, naloloka ako. Ang hirap din palang maging vlogger.

“Mabusisi pero pagtapos mag-edit ng video, may kung anong fulfillment. Lalo na kapag nagustuhan ito ng mga viewers mo,” pagtapos pa ni Divine.

comments