Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Ang tae at sapatos

Ang tae at sapatos

 

By ALEX CALLEJA

 

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa bu­hay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

* * *

Hi Alex,

Madalas ako sumakay ng eroplano kasi kailan­gan sa trabaho ko. Kapag sumasakay ako, kinaka­bahan ako at ninener­byos. Dahil sa sobrang kaba ko, parang paki­ramdam ko, matatae ako. Natatakot ako kapag nag-take-off na ang eroplano. Natatakot din ako kapag umaalog ang eroplano sa ere. Natatakot din ako kapag lalanding na ang eroplano. Ano ba talaga ang pinaka-nakakatakot, take-off, nasa ere, o land­ing?

Percy ng Mandaluyong

Hi Percy,

Hindi take-off, nasa ere, o landing ang nakakatakot. Ang nakakatakot eh sa so­brang nerbyos mo, matae ka! Ang hirap niyan, kulob at aamoy yan sa eroplano. Ta­pos kailangan mo maglakad papuntang toilet. Halatang-halata na may mantsa ka ng tae sa pantalon! Kapag mahaba ang biyahe mo, titiisin mo ang tingin sa’yo ng kapwa mo pasahero. Kaya relax ka lang!

* * *

Hi Alex,

Sigurado akong naba­litaan niyo yung con­gressman na nagka-viral video sa Facebook dahil sa insidente sa may secu­rity check-up sa airport. Hindi naghubad ng sa­patos ang congressman at nagalit ng sinita ng security officer. Nakita ko rin na pati mga ba­bae, pinaghubad din ng sapatos o sandals. Bakit ba kailangan hubarin ang sapatos?

Mely ng Bacoor

Hi Mely,

Sa totoo lang, hindi ko rin alam! Baka raw may bomba sa sapatos o kaya isang mechanism na pwedeng gamitin para sa hijack. Ang balita ko kasi ay may mga nakalusot na gamit sa ter­orista na inilagay sa sapatos kaya naghigpit ng security sa mga airport. Kapag hindi kasi sinunod sa isang airport ang isang policy regarding sa mga bawal sa ipasok sa airport, magiging issue ito sa airport kung saan ka pupunta. Kaya mahigpit sa lahat ng airport. Sa sa­patos naiintindihan ko pa, ang hindi ko maintindihan, ang mineral water. Bakit hanggang ngayon, bawal pa rin magpasok ng mineral water. Takot ba sila na may hijacker na may hawak na mineral water na basain ang eroplano nila! Kung bawal ang liquid at mautak ang terorista, eh di iinumin nila yun at saka sila iihi kapag nasa loob na ng eroplano! Ang labo!

* * *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo:  alex­calleja1007@yahoo.com, facebook/twitter/insta­gram: alexcalleja1007

comments