Home » Entertainment » Jake Zyrus, nag-topless muli

Jake Zyrus, nag-topless muli

 

JAKE Zyrus (IG)

JAKE Zyrus (Facebook)

USAP-USAPAN na naman ngayon ang singer na si Jake Zyrus, dating kilala bilang Charice Pempengco.

May lumabas kasi na bagong retrato nito sa Facebook kung saan kita siyang nakahubad habang nagwo-workout.

“Nagpapaborta na si Jake Zyrus,” ayon sa caption.

Although marami pa rin ang nagulat, hindi na ito bago kay Jake.

Una nang naglabas si Jake ng retrato na nakahubad habang nagbabakasyon sa Cagayan noong Marso.

 

Papansin much?

In any case, mixed ang reaction ng mga fans sa photo. May nainis, may natuwa, may iba naman na agad inakusahan si Jake na takaw publisidad and for good reason.

Nitong ilang linggo, laman ng mga pahayagan si Jake dahil sa mga binitawan niyang salita laban sa nanay at lola niya.

Ayon sa singer inabuso raw siya physically at psychologically ng dalawa.

Pinabulaanan naman ito ng nanay ni Jake.

Never ending ang gimmick mo Jake, huh? (Delia Cuaresma)

comments