Home » Opinion » My flower is always wet

My flower is always wet

 

By RICA CRUZ

 

Dear Sexy Mind,

Meron akong nagiging problema sa vagina ko, alam ko namang usually nagiging moist siya pero parang constantly dripping siya on a normal basis. Hin­di naman ako nakikipagsex or nagsi-stimulate ng sarili para mabasa ito. Naglala­gay tuloy ako ng napkin or tissue lagi sa aking panty. Kailangan ko ba itong ika­bahala or ikonsulta sa dok­tor? Salamat.

Waterfall

 

Hi Waterfall,

Ang natural lube na nag­papabasa sa iyong vagina ay tinatawag na vaginal discharge. Ito ay very common pero mag­kakaiba ang experiences ng bawat babae dito.

Vaginal discharge varies sa dami, kulay, amoy, at con­sistency. Bukod sa pagiging magkaiba nito sa bawat babae, nagva-vary din ito depende sa menstrual cycle. Ito ang natural way ng vagina upang linisin ang kanyang sarili.

Kailangan mong maging fa­miliar sa itsura ng iyong vagi­nal discharge, kulay, at amoy. Kailangan mong i-monitor kung may magiging pagbabago dito over time.

Minsan magiging mas ma­labnaw ito at minsan naman ay mas malapot at mas sticky. Normal din ang changes na ito.

Ang kailangan mong maging warning sign ay kung magka­karoon siya ng hindi magan­dang amoy. Ito na ang sign na kailangan mong komunsulta sa iyong doktor.

May iba pang factors na maaaring magpabago sa dis­charge mo kagaya ng yeast or bacterial infection, sexu­ally transmitted infection, pagbubuntis, at mga hormonal na birth control pills.

Ang mga ito ay kailangan mong itanong sa iyong dok­tor. Kung wala sa mga ito, kailangan mo ding sabihin kung anong sabon, cream, or pang-linis ang ginagamit mo sa iyong vagina.

Kailangan mo din i-check kung meron bang laundry de­tergent or fabric softener na nakakapag-induce ng allergy or ano man.

Ang vaginal discharge ay isang bagay na nararanasan ng lahat ng babae. Usually, it is the normal discharge that you have and makakasanayan mo din ito.

Pinakamainam na ikaw ay mag-konsulta na sa iyong OB-GYN or isang health care professional para mapanatag ang loob mo. Always enjoy and be safe!

With love and lust,

Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/The­SexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.

Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Mar­riage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

comments