Home » Entertainment » Devon, wala pa rin inaamin tungkol kay Kiko

Devon, wala pa rin inaamin tungkol kay Kiko

 

DEVON Seron and  Kiko Estrada (IG)

DEVON Seron and Kiko Estrada (IG)

HINDI pa rin maamin ni Devon Seron ang tungkol sa relasyon nila ni Kiko Estrada.

Tuwing tinatanong si Devon kung ilang months na sila ni Kiko, natatawa na lang ito at isasagot ay “Si Kiko na lang po tanungin ninyo.”

Pero kita naman sa mga mata ni Devon na in-love ito. Kung susundan ang mga feeds nila sa Instagram, ang laman ay ang mga photos nilang dalawa na very sweet.

“Kami naman po ni Kiko, matagal na rin kaming magkaibigan. Sa school pa lang noon, magkakilala na kami.

“Nagkataon lang na we really enjoy each other’s company. “Ayoko po munang isipin na may label ang pagiging close namin. Sabihin na lang po natin na we’re very close friends now,” ngiti pa ni Devon.

Si Kiko ay na-link romantically kina Kim Rodriguez at Barbie Forteza. Si Devon naman ay na-link noon kay James Reid noong pareho pa silang housemates sa “Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.”

Itinanggi naman ni Devon na naging boyfriend niya si James.

“Naging close lang kami ni James noong ‘PBB’ days namin. Even noong natapos na, we became good friends. Pero matagal na rin kaming hindi nakakapag-communicate but I am happy for his success.

“Linawin ko lang po na hindi ko po naging boyfriend si James. Baka bigla akong i-bash ng mga fans nila ni Nadine (Lustre). Friends lang kami ni James.

“Though nagkaroon kami ng sarili naming fans noong ‘PBB,’ we were never in a relationship,” diin pa ni Devon. (Ruel J. Mendoza)

comments