Home » Entertainment » Nakakasawa ba si Jessy Mendiola?

Nakakasawa ba si Jessy Mendiola?

 

JESSY Mendiola (IG)

JESSY Mendiola (IG)

SINUPALPAL si Jessy Mendiola ng isang follower sa social media kamakailan lang. Ito ay matapos mag-post ang dalaga ng isang litrato sa Instagram kung saan kitang-kita ang kanyang maalindog na katawan.

Ang siste, tila nauumay na itong follower sa madalas nitong pagpo-post ng mga litrato na nakabikini.

“Ateng Wala knang ginawa kundi mg hubad hinahinay Lang nakakasawa na,” ani nang concerned netizen.

Aray ko!

Well, balewala naman yata ito kay Jessy. Aniya, “Unfollow ka nalang, madali lang yun!!”

Dinumog ang follower ng mga tunay na fans ni Jessy kinalaunan. May resbak ang bruha, huh?

Di natapos rito ang kaguluhan. May isa pang follower ang dumagdag. Pinuna nito ang umano’y pangunguna ng boyfriend ni Jessy na si Luis Manzano sa pagla-like at pag-comment sa mga Instagram posts ng tila wala naman kina bi-busy-han na aktres.

Ani ng netizen, “Ang O.A. din minsan… buti at makahinga pa c Jessy nyan..”

Iginiit naman ni Jessy na walang problema kung madalas mang mag-comment si Luis sa posts niya.

“Sweet nga eh. Kinikilig ako palagi.”

Ay, sus! Sige post pa more Jessy, post pa more! (Delia Cuaresma)

comments