Home » Entertainment » Vice Ganda binabatikos

Vice Ganda binabatikos

 

 

THE viral photo of Vice Ganda with Imee Marcos. (Twitter)

THE viral photo of Vice Ganda with Imee Marcos. (Twitter)

 

UMAANI ng masasakit na sali­ta ngayon ang komedyanteng si Vice Ganda.

Ito’y pagkatapos kumalat ng isang larawan kung saan makiki­ta siyang kasabay na naglalakad ang aspiring senator na si Imee Marcos.

Hindi naman lingid sa kaala­man ng madla na maraming hin­di natutuwa kay Imee sapagka’t siya’y anak ng dating pangulong Ferdinand Marcos na binansa­gang diktador.

Sa isang tweet, ipinaliwanag ni Vice na nagkataon lamang na nagkasabay sila ni Imee sa isang flight. Iginiit din niya na hindi niya i-endorso ito sa darating na eleksyon.

“Nagpunta ko dun para mang aliw ng mga taga Ozamis City. Di para magendorso ng kahit sinong pulitiko. Di ako endorser ng mga Marcos!”

Gets niyo na? (Delia Cuares­ma)

comments