Home » Entertainment » Away bata?

Away bata?

 

DARREN Espanto and JK Labajo (IG)

DARREN Espanto and JK Labajo (IG)

MAY mainit na sagutan na naganap kamakailan lang sa social media.

Involved dito ang mga young singers na sina Darren Espanto at JK Labajo.

Apparently, nagalit itong si Darren nang mag-tweet diumano itong si JK ng “@Espanto2001 gayness at its finest.”

Itinanggi ito ni JK sa personal na usap nila ni Darren. Aniya na-hack daw ang kanyang account.

Nguni’t hindi kumbinsido ang huli.

Ani nito kay JK, “Timing ‘no? Dinelete ng ‘hacker’ mo yung tweet na ‘to after kang kausapin ng management. Pag nahanap mo yung hacker mo puntahan niyo ako para malaman niyo kung sino yung totoong BAKLA.”

Nagalit na rin itong si JK dahil sa pagsasapubliko ni Darren ng kanilang usap, dahilan upang ma-involve ang kani-kanilang fans.

Kasabay nito ay inilantad din ni JK ang screen shot ng palitan ng mensahe sa pagitan nila ni Darren.

Sabi ni JK, “just so you know hindi ako yun. ask mca if you dont believe me. someone else is using my twitter account. so you better tell your fans and/or family to calm the f*** down because the last thing i f****** want is to be accused of something i didnt f****** do. cheers.”

Ang tinutukoy ni JK na mca ay ang MCA Music Inc. na parehong record label nila ni Darren.

Sinagot naman ito ni Darren ng, “Prove it and man up! I am just here and ready to show the world who the real GAY one is.”

Inakupo! (Delia Cuaresma)

comments