Home » Entertainment » Arjo Atayde, Maine Mendoza happy together?

Arjo Atayde, Maine Mendoza happy together?

 

 

ARJO Atayde and Maine Mendoza

ARJO Atayde and Maine Mendoza

PLAYING sweet music together nga ba sina Maine Mendoza at Arjo Atayde? Ilang beses na ang public sightings sa kanila at mukhang care bears naman sila kahit ano pang isipin o sabihin ng ibang tao.

Latest sighting kina Maine at Arjo ay noong um-attend sila sa isang Halloween Party. Naka-Halloween couple costume sila bilang Fred at Daphne, karakters na magka-love team sa cartoon na “Scooby Doo.”

Tanong ng madlang pipol, may ligawan portion na ba sina Maine at Arjo? O, “sila” na ba? Isa pang tanong, break na raw ba sina Arjo at Sammie Rimando na member ng Girltrends ng “It’s Showtime”? Bakit daw si Maine ang Halloween date ni Arjo at hindi si Sammie?

Ano nga ba Arjo? Mukhang happy together sila ni Maine. Kung pareho naman silang walang masasaktan, push pa more sa umuusbong na beautiful friendship. Abang-abang na lang sa pag-level up nito.

 

14Rhian Ramos copy copy

RHIAN Ramos

Peg?

Si Kris Bernal ba ang peg ni Rhian Ramos sa pag-aming crush niya noon pa si JM de Guzman? Sinabi ni Kris na crush niya noon si Rayver Cruz. Magkatrabaho sila ngayon sa isang GMA Afternoon prime series. Noong nagkatrabaho sina Kris at Rafael Rosell sa isa ring GMA Afternoon prime series, sinabi niyang crush niya si Rafael. Noong kasagsagan ng love team nina Kris at Aljur Abrenica, sinabi niyang mahal niya si Aljur.

Heto naman si Rhian na may pakiyeme na crush niya si JM na kapareha niya sa isang upcoming movie. What else is new para i-promote ang isang pelikula?

 

30Ken Chan copy

KEN Chan

Hati

Hati ang fans ni Ken Chan na gumaganap bilang Boyet sa “My Special Tatay.” May mga pro BoCar (Boyet-Carol) patungkol sa mga characters nina Ken at Arra San Agustin. May BoBre (Boyet-Aubrey) naman na panig sa mga characters nina Ken at Rita Daniella.

Kahit kontrabida ang role ni Rita sa show, may mga fans na gustong sila ni Ken ang magkatuluyan sa MST dahil may anak sila, si Baby Angelo.

Hindi naman masabi ni Ken kung sino ang gusto niya. Bahala na raw ang writers ng show kung sino ang nararapat para sa kanya. Happy siya sa magagandang feedback sa MST. Okay, fine!

comments