Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Nagtatago din si Santa Claus

Nagtatago din si Santa Claus

 

 

alex

ANG column na ito ay ginawa para sa mga ta­ong may suliranin sa bu­hay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*  *  *

Hi Alex,

Kinukutuban ako na may babae ang mister ko. Nitong mga nakaraang buwan eh marami akong senyales na nakikita sa kanya. Minsan umuwi siya, amoy pabango ng babae. Minsan naman, habang natutulog siya eh may sinabi siyang pan­galan ng babae. Napa­pansin ko rin na madalas siyang nakaporma bago umalis at madalas din na nag-oovertime sa opisina. Totoo kaya ang kutob ka na may babae ang mister ko?

Nita ng Angeles

 

Hi Nita,

Mahirap ang nagbibintang, kawawa naman ang mister mo. Hindi naman lahat ng nakikita mong senyales eh pambababae agad. Kung amoy pabango ng babae, baka dumaan sa mall at aksidenteng na-sprayan ng mga saleslady. Makukulit kasi ang mga saleslady ka­pag nagbebenta ng pabango sa mall! Kung sumasakay naman sa MRT ang mister mo, sa sobrang siksikan, hu­mahawa ang pabango. Dun naman sa may nasabi siyang pangalan ng babae habang natutulog siya, may isang paliwanag dyan! Baka naman gustong magkaanak ulit ang mister mo at babae ang gusto niyang maging anak. Yung nasabi niyang pangalan, yun ang gusto niyang pangalan ng anak niyo! Sa madalas na pagporma bago pumasok sa opisina, baka naman gusto niyang maging presentable sa boss niya para ma-promote siya. Yan din ang dahilan ng kung bakit siya madalas mag-overtime. Saludo ako sa mister mo, masipag sa trabaho! Imbes na mag-isip ka ng kung anu-ano, supor­tahan mo na lang siya at wag mong aawayin!

*  *  *

Hi Alex,

Magpapasko na naman at maraming umaasang mga bata kay Santa Claus. Ang kulit ng anak ko at gusto niya raw puntahan si Santa sa North Pole! Ang tanong ko lang, bakit nakatira si Santa Claus sa North Pole.

Edlyn ng Marikina

 

Hi Edlyn,

Kaya nakatira si Santa sa North Pole para hindi siya mapuntahan at kulitin ng mga bata kapag Pasko! Sa totoo lang, si Santa Claus ang may kagagawan kung bakit nagkaroon ng idea ang mga Ninong at Ninang na magtago kapag pasko. Biruin mo, naghanap talaga si Santa ng pinakamalayo at pinakamalamig na lugar para magtayo ng bahay niya! Ang utak di’ba!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alex­calleja1007@yahoo.com

facebook/twitter/insta­gram: alexcalleja1007

comments