Home » Entertainment » Heart, Lovi nagpakita

Heart, Lovi nagpakita

 

 

HEART Evangelista and Lovi Poe (IG)

HEART Evangelista and Lovi Poe (IG)

MAY kakaibang patikim ang magkaibigang Heart Evangelista at Lovi Poe para sa kanilang mga fans kamakailan sa Instagram.

Ito ay ang mga seksing-seksing kuha nilang dalawa sa Amanpulo.

Yes, tunay namang nakakapanggigil ang dalawa sa mga kuha nila dahil talaga namang highlighted rito ang kanilang mga God-given curves.

Gusto ko tuloy magbalik sa pag-dyi-gym! Charot!

Yes, iba’t ibang swimsuit ang minodelo ng dalawa roon.

Siyempre, agaw pansin sa lahat ang mga photos kung saan suot nila ang kani-kanilang revealing high-cut swimsuits.

Bakit? Well, tila daw gusto rin paarawan ng dalawa ang mga singit nila sa sobrang sexy ng mga disenyo nito!

Ani isang netizen, “Grabe si Heart! Ang hot!”

Dagdag naman ng isa, “Ang ganda ni Ate Lovi!”

Siyempre pa mayroon din nag-comment ng pang-asar.

“Looks like someone’s waxing it clean,” sabi ng isang malisyosong netizen.

Wa keber ang dalawa na hindi na nag-aksaya ng panahon para sumagot pa sa mga comments.

In any case, panalo naman ang pa-gimik nila dahil viral na ang mga photos nila.

Hindi na bago kay Lovi at Heart na magbakasyon together.

Nakuhanan nga rin silang dalawa sa same place early this year. (DELIA CUARESMA)

comments