Home » Entertainment » Kim Chiu, bumigay

Kim Chiu, bumigay

 

timing box

 

 

 

HINDI na kailangang kumbinsihin ni Direk Enrico “Eric” Quizon si Kim Chiu gawin ang tatlong maiinit na love scenes sa “One Great Love.” Aniya, agad pumayag ito, no questions asked. Siyempre pa, hanga si Eric sa pagiging real trouper at game ng aktres.

Dalawa ang love scenes ni Kim with JC de Vera. Isa sa bathtub ng isang yate at isa sa bedroom. Isa naman ang love scene ni Kim with Dennis Trillo na kinunan sa harap ng fireplace sa Tagaytay.

Ani Direk Eric, hindi niya in-expect na gagawin ni Kim ang daring and intimate love scenes na mga ito.

KIM Chiu (IG)

“She was nervous while doing it,” kwento niya. “After nga ng take, nagsisigaw siya.”

Handog ng Regal Entertainment, entry sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang “One Great Love.”

 

TRUE LOVE

Sa mediacon ng “One Great Love,” sinabi ni Kim na hindi pa niya nahahanap ang kanyang great love. Pero si Xian Lim daw ang kanyang true love.

Na-experience na niya ang inakala niyang great love. Pero one sided lang pala ‘yun dahil natuklasan niyang may iba pa itong sina-sight, kaya bumitiw na siya. Tanungan ang mga reporter kung si Gerald Anderson daw ba kaya ‘yun?

Naalala tuloy namin na sa isang presscon noon ng pelikula nina Kim at Gerald ay umiyak ang aktor at nag-walk-out nang natanong tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

JESSY Mendiola (IG)

JESSY Mendiola (IG)

May isyu noon sa kanila ni Bea Alonzo na pinagbantaan pa ng Kimerald (Kim-Gerald) fans na sasabuyan siya ng asido sa mukha. Now, open na sa kanilang relasyon sina Gerald at Bea.

 

EMOTIONAL

Naging emotional si Jessy Mendiola sa mediacon ng “The Girl in the Orange Dress,” another entry sa MMFF. Aniya, muntik na siyang mag-quit sa showbiz at bumalik na lang sa pag-aaral. Naapektuhan siya sa sobrang pamba-bash sa kanya at negativity na nangyari sa kanya .

Inamin din ni Jessy na nakaranas siya ng depression at muntik na siyang mag-suicide. Malaki raw ang naitulong ni Luis Manzano para maging positive ang outlook niya sa buhay at mawala ang mga negativity.

Nag-volunteer pa ang kanyang boyfriend na mag-cameo role sa “The Girl in the Orange Dress” bilang suporta sa kanya.

comments