Home » Entertainment » Kim Chiu, walang kiyeme

Kim Chiu, walang kiyeme

timing box

 

 

 

HINDI naman siguro isyu kay Xian Lim ang bathtub scene ni Kim Chiu with JC de Vera sa “One Great Love.”

XIAN Lim and Kim Chiu

XIAN Lim and Kim Chiu

Ayon kay Kim, wala ‘yun sa script, pero pumayag siya without hesitation. Sinabi raw kasi sa kanya ni Direk Eric Quizon na maganda ang bath tub sa yate kung saan kinunan ang eksena nila ni JC.

Isa ‘yun sa mga eksenang inaabangan sa “One Great Love” na official entry ng Regal Entertainment sa 2018 Metro Manila Film Festival. Kasama rin si Dennis Trillo na first time makakatrabaho ni Kim.

First daring role ever ito ni Kim at all praises sa kanya si Direk Eric dahil wala siyang kiyeme sa mga eksenang ipinagawa sa kanya.

 

KYLIE Padilla and Aljur Abrenica (IG)

KYLIE Padilla and Aljur Abrenica (IG)

TULOY NA

Nag-pre-nup pictorial na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla para sa nalalapit nilang kasal. Pero hindi pa nila ibinibigay ang mga detalye kung kailan at saan magaganap ito.

For whatever reason (or reasons), naudlot ang napabalitang Nov. 18 civil wedding nila na diumano, somewhere in Bataan dapat gaganapin.

Hopefully this time, matutuloy na ang Aljur-Kylie wedding na pinakahihintay ng papa Robin Padilla ni Kylie. Sa isang interbyu noon kay Robin, sinabi niya na kapag nagka-boyfriend ang mga anak niyang babae ay gusto niyang tuloy kasalan na ‘yun.

Hindi nangyari ‘yun kina Aljur at Kylie na nauna pang nagka-baby sila. May one-year old son na sila, si Alas Joaquin. It took months bago nakita ni Robin ang kanyang apo dahil sumama ang loob niya na hindi pa nagpapakasal sina Aljur at Kylie.

Alden Richards

ALDEN Richards

 

WISH

Wish ni Alden Richards makatrabaho si Bea Alonzo. Hindi nga lang puwede sa isang teleserye dahil magkaiba sila ng pinagtatrabahuhang networks.

Puwede naman siyang ipahiram ng GMA7 sa Star Cinema, movie arm ng ABS-CBN. Ang kapuwa Kapuso stars niyang sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado ay nakakagawa ng pelikula sa Star Cinema.

I-try kaya ng Star Cinema hiramin si Alden sa GMA7? Bagong putahe ang tambalang Alden at Bea.

comments