Hi Alex,
Matagal ng biyudo ang daddy ko. Namatay ang mommy ko ng 10 years old pa lang ako. 20 years old na ako ngayon at graduating sa college. May girlfriend na ang tatay ko at nakatira siya sa amin. 25 years old lang ang girlfriend ng daddy ko at aaminin ko, maganda siya at super sexy. Kapag nasa bahay siya ay naka-shorts lang at naka-sando. Madalas pang kita ang cleavage. Madalas kaming 2 lang sa bahay dahil nasa office si Daddy. Minsan, nakikita ko ang girlfriend ng daddy ko na bagong ligo at lumalabas sa banyo na naka-panty at bra lang. Madalas din na nakatambay sa sala, walang bra at nakabukaka. Sweet din siya sa akin at madalas niya akong akbayan kapag nasa labas kami at namamasyal sa mall kasama si Daddy. Natutuwa si Daddy sa closeness namin at sinasabi ni Daddy na dapat ko raw ituring ang girlfriend niya na parang mommy. Ang tanong ko Tito Alex, ok lang ba na Mommy na ang itawag ko sa girlfriend ng Daddy ko?
Dano ng Pasig City
Hi Dano,
Walanghiya ka! Akala ko kung anong itatanong mo! Halos parang Xerex na ang sulat mo at halos nasasabik na ako sa mga kwento mo tapos itatanong mo lang kung pwedeng tawaging Mommy ang girlfriend ng daddy mo! Bwisit ka! Papunta na akong banyo eh! Wag ka ng susulat! Bahala ka na rin kung anong itatawag mo sa girlfriend ng daddy mo! Wala akong pakialam!
* * *
Hi Alex,
Madalas akong makakita ng banggaan sa kalye. Ang kadalasang banggaan eh jeepneys at private cars. At madalas ko ring makita ang mga jeepney drivers na kumakamot ng ulo. Ano ba ang dahilan kung bakit nagkakamot ng ulo ang mga jeepney drivers kapag nababangga?
Lauro ng Pasay City
Hi Lauro,
Kaya kumakamot ng ulo ang mga jeepney drivers eh dahil may kuto sila. Ikaw ba naman ang laging babad sa araw eh kukutuhin ka talaga! Makati sa ulo ang kuto kaya kakamot ka. Pero lumalabas lang ang kuto kapag nababangga ang mga jeepney drivers. At habang iniisip nila kung saan kukuha ng pambayad sa damage dahil wala silang insurance!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007