Home » Entertainment » Kim Domingo, ayaw na magpa-sexy

Kim Domingo, ayaw na magpa-sexy

 

 

KIM Domingo

KIM Domingo

MARAMING kalalakihan ang tiyak na nalungkot sa anunsyo ni Kim Domingo sa socmed kamakailan lang.

Ito ay tungkol sa plano niya na tumigil na sa pagpapa-sexy on cam.

Bakit?

Well, ani Kim, panahon na upang paglawakin ang kanyang career.

Ayaw raw niyang ma-kahon sa sexy image niya.

Aniya, “Isang taon na din ang nakakaraan nung mapagisip-isip ko na Iwant something new, something na mas magiging masaya ako, something na mas maipapakita ko kung anong kakayahan ko bilang artista.

“Ayokong manatili ako sa imahe na puro pagpapa-sexy na lang ang ginagawa ko, mas gusto ko makita ng mga tao na si Kim Domingo ay hindi lang puro pagpapakita ng katawan ang alam gawin.”

At desidido siya rito huh?

Aniya pa, “Alam ko sa sarili ko kung ano ang kakayahan ko.”

Eh paano kung hindi kagatin?

Careful, careful, Kim. (DELIA CUARESMA)

comments