Home » Entertainment » Sarah Geronimo naliitan

Sarah Geronimo naliitan

timing box

 

 

 

MAY mga ispekulasyon na baka raw malapit nang magpakasal sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Nag-viral ang suot na diamond ring ni Sarah na inakalang engagement ring ‘yun.

MATTEO Guidicelli with girlfriend Sarah Geronimo (IG)

MATTEO Guidicelli and Sarah Geronimo (IG)

Mariing itinanggi ‘yun ni Matteo na aniya, masyado namang maliit ‘yun. So, dapat malaking diamond ang engagement ring? Can afford naman si Matteo bigyan ang kanyang girlfriend.

Parati naman niyang sinasabi sa mga interbyu na si Sarah na ang “the one” for him at gusto niyang pakasalan.

Naghahanda na sila para sa future nila together. Dahil kay Sarah, kaya lumipat si Matteo ng management company para magkasama sila. Looking forward sila na magkatrabaho sa future projects ngayong magkasama na sila sa isang management company.

 

GRETCHEN Barretto

GRETCHEN Barretto

IMBITADO

Imbitado naman pala si Gretchen Barretto sa reunion ng mga dating hosts ng defunct “GMA Supershow” na si Dawn Zulueta ang nag-organize. No show nga lang si Gretchen for whatever reason.

Wala rin si Kris Aquino, kaya may mga nag-isip na hindi raw kaya nag-iwasan sila ni Gretchen na magkita?

How sad naman na nagkalamat pala ang friendship nina Kris at Boy Abunda. Hindi na sila super close ngayon. Wala na silang pakialam ngayon sa buhay ng isa’t isa. Matatandaang sa bahay pa ni Boy nagpakasal noon sina James Yap at Kris sa isang civil rites.

Eh, sina Kris at Vice Ganda kaya? Super friends pa rin kaya? “Asawa” pa rin kaya ang tawagan nila sa isa’t isa?

 

LUIS Manzano

LUIS Manzano

GENEROUS

Nagpakita na naman ng generosity si Luis Manzano. Isang matandang lalaking contestant sa “Minute To Win It” ang pinangakuan niya on air na manalo o matalo ito sa game ay bibigyan niya ng dalawang tricycle.

Namamasada lang kasi ito bilang tricycle driver at hindi pa pag-aari nito ang tricycle. Natalo man ito, winner pa rin dahil sa dalawang tricycle na ipinangakong ibibigay ni Luis.

Hindi na mabilang ang rami ng mga less-fortunate people na natulungan ni Luis. Patola nga lang siya sa bashers kapag napipikon. Pero may ginintuang puso si Luis. Kita n’yo naman, patuloy ang pagdating ng blessings sa kanya.

comments