Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Ang nabisto at mahilig sa porn

Ang nabisto at mahilig sa porn

 

 

alex calleja

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may sulira­nin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simu­lan na natin!

*  *  *

Hi Alex,

Nahuli ako ng misis ko na may ka-text na babae. Ka-officemate ko siya at aaminin ko, medyo kursunada ko. Hindi ko naman balak seryosohin pero parang nilalandi rin ako eh kaya tinitext ko. Nagtataka lang ako, kahit nahuli ako ng misis ko eh hindi niya ako inaaway, hindi niya ako sinita o hindi man lang nagtanong. Naging sweet pa nga sa akin nitong mga nakaraang araw. Bakit kaya hindi nagalit ang misis ko?

Enrique ng Caloocan City

 

Hi Enrique,

Ang hindi pagsita sa’yo ng misis mo eh nakakakaba! Dalawang bagay lang yan! May ginagawang kalokohan din ang misis mo o kaya ay humahanap ng magandang tiyempo. Baka mamaya, nilalason ka unti-unti, o kaya nagpaplano ng isang aksidente na mapipilayan ka, maoospital o kaya mamatay nang tuluyan. Nakakatakot yan! Ingat ka rin sa pagtulog, baka hindi ka na magising dahil may unan na idadagan sa‘yo. Goodluck brader!

*  *  *

Hi Alex,

Adik na adik po ako sa kakanuod ng porn! Lahat ng pornsite napuntahan ko na at member pa ako! Oo, nagbabayad ako ng membership para makapanuod ng porn. Nanunuod din ako ng porn kahit saan, sa bahay, sa taxi, sa jeep, sa MRT at kahit sa oras ng trabaho! Paano ko ba matitigilan ang panunuod ng porn?

Clint ng Makati City

 

Hi Clint,

Mahirap pigilan yan! Kailangan mo na siguro kumunsulta sa espesyalista. Masarap talaga manuod ng porn, kahit ako ginagawa ko yan pero may pinipili naman akong lugar at oras! Baka naman kapag nanunuod ka sa public eh ang lakas pa ng volume mo! Saka marami namang libre bakit ka pa magbabayad, yan ang issue ko sa’yo! Pero kung wala ka namang napeperwisyong iba, tuloy mo lang yan. Padala ko sa’yo mga link sa free porn!

Hi Alex,

Ang lamig pa rin ng panahon! Ang dami ng nagkakasakit! Kelan ba ito mawawala?

Reggie ng San Pablo

 

Hi Reggie,

Ewan ko sa inyong mga tao kayo! Kapag malamig, nagrereklamo, kapag mainit, nagrereklamo! Samantalahin niyo habang malamig dahil malapit na ang summer, init naman ang reklamo niyo!

*  *  *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com

facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

comments