Home » Entertainment » Kathryn: ‘Walang problema’

Kathryn: ‘Walang problema’

 

KATHRYN Bernardo (IG)

KATHRYN Bernardo (IG)

PINABULAANAN ni Kathryn Bernardo ang bali-balitang nagkalabuan sila ng boyfriend niyang si Daniel Padilla kamakailan.

Nagsimula ang usap makaraang i-unfollow ni Kathryn si Daniel sa Instagram.

Akala ng lahat nagkahiwalay ang dalawang magsing-irog nguni’t dinenay ito ni Kathryn.

Ani Kathryn, totoong in-nun-follow niya si Daniel pero aksidente lamang daw ito.

Salaysay niya, “Kasi napindot ko ‘yung block nun accidentally na hindi ko alam na pag napindot mo pala ‘yung block, automatic mag-u-unfollow-han kayo pero hindi ko talaga ‘yan intention.”

Ika pa ni Kathryn, hindi lang naman daw si Daniel ang naapektuhan ng pangyayari kung hindi pati ang ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz kasama na si Ria Atayde, kapatid ng aktor na si Arjo.

”Ang dami ko na-unfollow na tao,” sey niya.

“Walang problema. Walang issue,” diin pa ni Kathryn.

Ok, fine! (DELIA CUARESMA)

comments