Home » Entertainment » Ice-Liza baby on hold

Ice-Liza baby on hold

 

 

Liza Diño and Aiza Seguerra (Instagram)

Liza Diño and Ice Seguerra (IG)

ISINANTABI pala muna nina Ice Seguerra at Liza Diño ang plano nilang magkaanak via in vitro fertilization o IVF.

Ito ay dahil magiging super busy itong si Liza ngayong taon with her work bilang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Nag-usap daw ang mag-asawa at napag-desisyunan nila na sa Disyembre na lang ituloy ang maselang proseso.

Kuwento ni Liza sa isang report sa Pep, “Yes, the whole process kasi dapat by June puwede na, pero I asked Ice, ‘Love, banner year talaga ng FDCP itong 2019 kasi 100 years, yung pressure ba.

“‘Allow me muna i-launch the events, create something very significant, ‘tapos sa December, let’s do this.’

“I’m not getting any younger also, pero at the same time, ayoko ring maiwanan yung mga nakahanda naming mga proyekto for FDCP.”

In any case, naka-freeze na daw ngayon ang mga extracted ovarian eggs mula kay Ice at nakapili na rin sila ng magiging sperm donor – isang foreigner at chef-musician.

Dadalhin daw ito sa Malaysia for fertilization.

Sabi ni Liza, “It’s actually on its way… frozen transport siya na dadalhin nila for fertilization. Once it’s frozen, yung quality niya is intact naman.”

“Dadalhin sa Malaysia kasi bawal dito. Nakakalungkot, di ba? There are ethical issues na nagsasabing di puwede. Pag single ka, di puwede; pag same sex kayo, hindi puwede.”

Ikinuwento rin ng aktres kung paano nila pinili “Through website, it just tells you description nung lalake. May picture, child picture, ‘Ah, ganito itsura niya nung bata.’ Tapos mayroong adult picture, so makikita mo na yung itsura niya ngayon.

“’Tapos yung ethnicity nandun, yung history, may personality test silang tine-take.

“Even yung genetic testing ginagawa nila para masabi kung fit ba ang genes niya dun kay Ice.

Dagdag pa ni Liza, “Siguro the very reason why we chose an anonymous sperm donor… wala kaming legal issues na haharapin.”

Na-delay man ang pregnancy ni Liza, patuloy pa rin silang dalawa ni Ice sa paghahanda na maging parents.

Sey ni Liza, “Actually, Ice has been very dilligent with taking care of her body, naka-diet yan ngayon, naka-intermittent fasting.

“I also need to work out din, parang kailangan ding i-prepare ang body ko for that.

“Dati, kung ano na lang dumating na trabaho, pero ngayon nag-iisip kami kung paano kami makakapag-ipon.

“Baka bumili kami ng mas malaking bahay kasi yung townhouse namin pang-amin lang.

“Nararamdaman ko na. Totoo na siya! Totoo na!

“I really want this to be (an) experience namin na family.

“Ice is the father, I’m the mother, we will have a child. Amara is her sibling.

“We want that, we want to be a normal family, adding children to our family.” (DELIA CUARESMA)

comments