KALABOSO ang aktres na si Roence Santos, 42, matapos mahuli ito ng mga parak sa isang buy bust operation sa San Juan, La Union kamakailan kasama ang ilan pang mga suspek na kinilalang sina Marty Razon, Gary Gerela, at Mark Dennis Norega.
Kinumpirma na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) La Union Provincial Office na nag-positibo sa bawal na gamot ang aktres na si Santos na huling lumabas sa GMA show na “Kambal Karibal.”
Sa panayam kay PDEA Provincial Officer Darnel Bacate, sinabi nito positibo rin sina Herela at Norega base sa pagsusuri ng crime lab sa kanilang urine specimen.
Negatibo naman sa drug test ang kanilang driver na si Razon.
Ayon pa kay Bacate, “high value target” si Santos.
Umaabot sa P3 million ang halaga ng marijuana na nakompiska mula sa grupo.
Samatala, mariing itinanggi ni Santos ang paratang.
Aniya magus-surfing lang sila sa La Union ng mga kaibigan ng pinara ng mga pulis ang kanilang sasakyan. (DELIA CUARESMA)