ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Ang buwan po ng Marso ay Fire Month. Madami na naman po ang masusunugan ng bahay. Kadalasan ang sunog ay sa mga squatters area. Ano ba ang dapat gawin para maiwasan na masunugan ng bahay?
Carlo ng Divisoria
Hi Carlo,
Buong taon naman ay pwede kang masunugan. Kaya lang mas madami sa buwan ng Marso. Simula na kasi ng ng summer at madami ang gumagamit electric fan na madalas mag-overheat. Sa mga squatters area or para sa mga politically correct na tao, sa mga illegal settlers, ang madalas na dahilan ng sunog ay naiwang nakasinding na kandila. Wala kasi silang kuryente kaya kandila ang gamit nila. Pero ang sabi ng iba, sinasadya talagang sunugin ang mga squatters area para mapaalis sila. Para maiwasan masunugan ng bahay, wag maglaro ng apoy! Kapag literal kang naglalaro ng apoy, masusunog ang bahay niyo! Kapag naglalaro ka naman ng apoy dahil may kabit ka, mapapalayas ka sa bahay ng misis mo at baka ikaw mismo ang sunugin niya!
* * *
Hi Alex,
Graduating ang anak ko sa high school pero hanggang ngayon, hindi pa siya nagsasabi kung gragraduate siya o hindi. Kapag tinatanong namin eh hindi kami sinasagot at agad umaalis. Hindi man lang nagsasabi sa amin kung saan niya gustong mag-aral sa college at kung anong course ang kukunin niya? Ano sa palagay niyo ang dahilan bakit hindi siya nagsasabi sa amin kung gragraduate siya?
Minnie ng Cubao
Hi Minnie,
Wag na tayo maglokohan. Alam mo na ang sagot. Hindi siya gragraduate! Kung gusto mo grumaduate ang anak mo, paglaruin mo ng basketball, utusan mo na mag-foul ng anim na beses, sigurado, graduate siya!
* * *
Hi Alex,
Nagkakapimple na ang anak ko. Eleven years old na siya. Ito na ba ang senyales na binata na siya?
Diana ng Taguig
Hi Diana,
Hindi porket nagkapimple eh binata na agad! Kapag nagkapimple ibig sabihin, hindi naghihilamos ng mukha! Kapag sinabi mo na nagkapimple ang senyales ng pagbibinata, magagalit ang mga gay community! Paano kung nagkapimple ang mga bakla, ibig ba sabihin, nagbibinata sila? Maghilamos para walang pimple!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007