BALIK-KAPUSO si Dawn Zulueta sa pelikulang “Family History” na ididirek ni Michael V. Balik-pagpoprodyus din ito ng GMA Films na ngayon ay GMA Pictures na. Hudyat din ito ng pagiging movie director ni Michael V. na siya ring scriptwriter ng pelikula. Artista rin siya rito at kasama sa cast sina Paolo Contis, John Estrada, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Mikoy Morales, Ina Feleo, Kakai Bautista, Kiray Celis at Nonie Buencamino.
Isa si Dawn sa naging hosts ng defunct Sunday musical-variety show na “GMA Supershow” with the late Master Showman German “Kuya Germs” Moreno. Nakalabas din si Dawn sa ilang GMA shows.
Thankful ang aktres na bahagi siya ng movie directorial debut ni Michael V. na matagal na niyang gustong makatrabaho. Malaki ang paghanga niya rito hindi lang bilang komedyante, kundi pati sa pagiging mahusay na scriptwriter. Singer-songwriter din si MV.
HOMECOMING CONCERT
Balik-Pilipinas si Gerald Santos matapos ang stint niya sa “Miss Saigon” UK kung saan gumanap siya bilang Thuy.
Almost two years siyang naging bahagi ng naturang musical play. Nag-tour sila sa UK, Switzerland at Germany.
More than a thousand theater actors and singers mula sa iba’t bang bansa ang nag-audition at si Gerald ang napili ng Cameron MacKintosh Limited Productions para gumanap bilang Thuy.
Ani Gerald, noong first week niya sa UK ay araw-araw siyang umiiyak. Na-homesick siya dahil mag-isa lang siya roon. Grabeng pagod at pressure daw ang naranasan niya sa rehearsals pa lang.
Natuto siyang magluto, maglaba, mag-grocery at alagaan ang sarili. Natuto rin siya ng iba’t ibang techniques sa pag-arte at pagkanta.
Expired na ang working visa ni Gerald sa UK at inaayos pa ang renewal nito, kaya balik-Pilipinas siya.
Magkakaroon siya ng homecoming concert on May 4, 8 pm sa The Theater at Solaire.
Billed “Gerald Santos: The Homecoming Concert,” guest performers niya si Jake Zyrus and his “Miss Saigon” co-stars na sina Aicelle Santos, Joreen Bautista and Leo Valdez. Presented by Mediabiz Entertainment Production, Echo Jam and Twin M Productions International. Tickets are available sa Ticketworld.