Home » Entertainment » Heart does international movie

Heart does international movie

timing box

 

 

 

MAY international movie palang ginawa si Heart Evangelista. Hindi lang niya binanggit kung ano’ng title nito, kung ano’ng role niya at kung sinu-sino ang mga kasama niya.

HEART Evangelista

HEART Evangelista

Wish ni Heart na maipalabas sa ating bansa ang naturang interna­tional movie. May gagawin pa raw siyang isang international movie at nakatakda siyang umalis papuntang USA.

Tanong ng kanyang fans and fol­lowers, kailan naman kaya nila muling mapapanood si Heart sa isang GMA series? Kung tama kami, huli siyang napanood sa “My Korean Jagiya” with Korean singer-actor Alexander Lee.

Kung hindi pala nagkaroon ng miscarriage si Heart, naipanganak na sana niya last month ang twins (or triplets ba?) nila ng husband niyang si Senator Chiz Escudero. Mommy na sana siya.

 

BIANCA Umali

BIANCA Umali

SUPORTADO

All-out support ang GMA Net­work sa bagong project ni Bianca Umali, ang “Sahaya.” Malaki ang bud­get nito sa costumes ng buong cast, production design, location shoot na sadyang nagpagawa pa ang Kapuso Network ng set na parang isang community ng mga Badjao.

Isang Badjao girl ang role ni Bian­ca na mukhang ipinu-push ang ca­reer niya. Marami ang nagsasabing siya na ang next important star ng GMA7. Puwede naman dahil star material si Bianca. Mag-focus lang sana siya sa kanyang ca­reer at huwag muna siyang mag-seryoso sa lovelife. Carry kaya niya ‘yun?

Kahit nagbida na si Bian­ca sa mga ginawa niyang teleserye sa GMA, masasa­bing ang “Sahaya” ang biggest project ever niya. Super thankful siya sa GMA na sa kanya ipinagkati­wala ang magan­dang role bilang Sahaya.

Si Miguel Tan­felix ang leading man ni Bianca na suportado pa rin ng net­work ang kanil­ang love team. Sa March 18 na ang pilot tele­cast ng “Sahaya.”

 

JOLO Revilla and Angelica Alita (IG)

JOLO Revilla and Angelica Alita (IG)

KAPAMILYA NA

Present sa 92nd birthday cel­ebration ni Mang Ramon Revilla ang bagong girlfriend ni Vice-gov­ernor Jolo Revilla na si Angelica Alita. Ayon sa ilang entertainment writers na invited sa naturang af­fair na ginanap sa mansion ng mga Revilla sa Imus, Cavite, feeling kapamilya na si Angelica at komportable na ito. Kasama ito sa family photo.

Mukha naman daw okey ang GF ni VG Jolo sa anak nitong si Gab. May kasalan na kayang aa­bangan?

comments