Home » Entertainment » Tambalang Alden-Kathryn tuloy na

Tambalang Alden-Kathryn tuloy na

timing box

 

 

 

TULOY na ang pagtatam­bal nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa pe­likulang gagawin nila sa Star Cinema. Nag-story conference na at si Cathy Garcia-Moli­na ang direktor ng yet untitled movie. Gaganap sila bilang mga OFW’s at sa HongKong ang location shoot.

KATHRYN Bernardo and Alden Richards

KATHRYN Bernardo and Alden Richards

Dating Kapuso star si Kathryn na gumanap bilang young Jenny sa “Stairway to Heaven” kapareha si Kristoffer Martin. Naudlot ang pagpu-push sa kanilang love team dahil lu­mipat sa ABS-CBN si Kathryn.

Masusubukan kung may drawing power sa takilya ang tambalang Al­den at Kathryn. Kapuwa may malak­ing following ang dalawa na kapag nagsanib-puwersa ang mga ito sa pag-suporta sa kanilang mga idolo, sure win sa taki­lya ang kanilang movie.

 

DI TAKOT

Hindi natatakot sa bashers si Ashley Ortega nang sabihin niya sa mediacon ng “Sahaya” na gusto niyang makatra­baho si Alden Richards. Kilig-kiligan pa si Ashley.

ASHLEY Ortega (IG)

ASHLEY Ortega (IG)

Aware si Ashley na ayaw ng ilang AlDub fans na makatrabaho ni Al­den ang ibang aktres . Gusto nila’y si Maine Mendoza lang kahit inamin ng huli na exclusively dating sila ni Arjo Atayde.

Single si Ashley na aniya, eight months na siyang walang idini-date.

What if, Al­den asks her for a date? Single rin si tisoy. “Ewan ko. Hindi ko alam,” kilig-kiligang sabi ni Ashley.

For a while ay naging “item” sina Ashley at Juancho Trivinio. Ani Ashley, friends lang sila at walang ligawang nangyari. Nali-link ngayon si Ju­ancho kay Joyce Pring. Ani Ashley, happy siya for them kung magiging “sila.”

Kontrabida role si Ashley sa “Saha­ya.” Ready na rin daw siya sa mature roles at kissing scenes.

 

MYLENE dizon

AYAW

“I don’t think so” ang sagot ni Mylene Dizon sa tanong kung will­ing ba siyang makatrabaho si John Estrada ngayong pareho silang nag­tatrabaho sa GMA7. Nasa cast ng “Sahaya” si Mylene at nasa “Kara Mia” naman si John.

Nagkaroon ng isyu between them noong nagkatrabaho sila sa “The Good Son” sa ABS-CBN. Hindi napilit ng press si Mylene magsalita sa mediacon ng “Sahaya” hinggil du’n. Mother ni Sahaya (Bianca Umali) ang role ni Mylene.

comments