SERYOSONG papasukin na ngayon ng isang Tausug na ipinanganak sa Tawi Tawi ang music industry.
Siya’y si Renz Fernando malayong kamaganak ng mga yumaong batikang artista na sina Ading Fernando at Dely Atay-Atayan.
Minsan na ding pinabilib ni Renz ang mga magagaling na hurado sa ibang bansa nang siya’y sumali at manalo ng gold medal sa 2017 World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Long Beach, California.
Bilang premyo, natanggap ni Renz ang scholarship worth $10,000 galing sa New York Film Academy at nag-enroll siya doon ng kursong Musical Theater.
“Doon ko lang naintindihan perfectly na ibang-iba yung atake ng pagkanta,” ani Renz.
Magkakaroon ng fundraising concert si Renz sa March 28, sa Sky Dome SM City North Edsa, Quezon City in partnership ng Sinag Arts Foundation at ng SM North Edsa.
Ang benificiary ng concert ay ang Breath of Life Foundation, a non-stock, non profit organization na gumagawa at nagdi-distribute ng OstreaVent (affordable ventilator para sa mga premature infants).
“Ang concert na ito ay malaking tulong para sa mga sanggol na nangangailangan ng ventilator,” ayon kay Dr. Enrique Ostrea Jr. isang international neonatologist.
Nakilala niya si Renz Fernando sa US at humanga siya sa galing nito.
Masaya si Renz dahil sa kanyang upcoming concert. “Unang-una it’s a pleasure to work with Dr. Ostrea Jr., at masaya rin ako kasi malapit sa akin ang mga bata. I grew up sa community na may organization kami na mga tsikiting pa lang tinitrain namin silang how to build self confidence. Ang saya na may natutulungan ako while singing yun naman kasi ang goal ko not just performing on stage to inspire and to entertain po,” sagot ni Renz. (DANTE A. LAGANA)