ITO ang naging peg ng Kapuso actress na si Lovi Poe nang tsansang makadaupang palad niya abroad ang Canadian-American actor and US television star na si Torrance Coombs.
Hindi sinayang ni Lovi ang pagkakataon at agad-agad na nakipag-selfie sa poging aktor.
Ipinost niya ito sa Instagram na aniya sa caption, “Bash and bashful.”
Of course, may patungkol ito sa role na ginagampanan ni Torrance sa historical drama na “Reign” na umeere sa CBS.
Ang papel ni Torrance sa show ay si Sebastian “Bash” de Poitiers, ang illegitimate son ni King Henry II of France at kanyang kabit na si Diane de Poitiers.
‘Yun na! (DELIA CUARESMA)