ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
April 1 na naman po at katakot-takot na namang panloloko ang gagawin ng mga Pinoy dahil sa April Fools. Ilang beses na akong nabiktima niyan! Napaniwala ako na yung kaibigan ko buntis, yung isa naman aalis na papuntang Amerika, yung isa naman naholdap at nasa ospital! Ang iba naman, nangungutang kapag April Fool’s Day kasi hindi ka daw kailangan magbayad dahil nagpaloko ang inutangan mo! Saan ba nagsimula ang April Fool’s Day?
Mabel ng Marikina
Hi Mabel,
Ayon sa aking research, ang April Fool’s Day ay nagsimula sa Pilipinas. Nagsimula ito ng panahon ni Lapu-lapu at Magellan. Nang dumating si Magellan kasama ang mga kastila, agad nilang inuto ang mga katutubong Pinoy para masakop nila ang bansa natin. Dahil mga mestiso ang mga kastila at pinapakalat nila ang relihiyong katoliko, marami silang napaniwala. Pero hindi lahat napaniwala ng mga kastila. Isa sa mga hindi nila nauto ay si Lapu-lapu. Hindi nila alam na nagkukunwari lang si Lapu-lapu na naniniwala sa mga sinasabi at ginagawa ng mga kastila. Akala ni Magellan ay kaibigan na niya si Lapu-lapu. Unang araw ng Abril, niyaya ni Lapu-lapu si Magellan maglakad sa dalampasigan. Habang naglalakad sila, sinabi ni Lapu-lapu kay Magellan na magkaibigan sila. Natuwa si Magellan. Pero biglang bumunot si Lapu-lapu ng itak at tinaga si Magellan. Pagkataga ni Lapu-lapu kay Magellan, sumigaw ito ng ‘FOOL!!!’! Dun nagsimula ang April Fool’s Day! Kung matiyaga mong binasa ito, ibig sabihin, naloko ka na naman! Imbento ko lang ang kwentong ito! Enjoy April Fool’s Day!
* * *
Hi Alex,
Paborito ko ang prutas na pakwan pero naiinis ako kapag hindi matamis. Yung iba, pinapahiwa para malaman pero ayaw ko ng ganun kasi gusto ko na buo ang pakwan kapag inuwi ko. Malalaman mo ba kung matamis ang pakwan sa papamagitan ng tingin lang?
Lia ng Pasig
Hi Lia,
Maaring malaman kung matamis ang pakwan sa pamamagitan ng tingin lang. Hawakan mo ang isang pakwan tapos titigan mo ng masama yung tindero, kapag hindi siya nakatingin at umiwas, hindi matamis yun! Humawak ka ulit ng ibang pakwan hanggang makita mong hindi na umiiwas ng tingin ang tindero! Effective siya maniwala ka.
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007