Home » Entertainment » Arci, may bagong gimik

Arci, may bagong gimik

 

ARCI Muñoz (IG)

ARCI Muñoz (IG)

ANG lakas pala talaga mag-trip ni Arci Muñoz.

Alam ng lahat ang hilig niya sa pagpaparetoke ng kanyang katawan at hindi naman niya pinagkakaila ito.

Pero, apart from that, mahilig din itong si Arci magpa-tattoo.

Sa katunayan mayroon siyang iba’t ibang tattoo sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Lingid sa kaalaman ng marami – kasama na ang kanyang current boyfriend – mayroong isa pang tattoo si Arci na nakatago.

Ni-reveal niya lang ito kamakailan sa “Tonight With Boy Abunda.”

Ito ay ang tattoo ng puso na nasa likod ng ibabang labi niya.

Mayroon ding piercing sa dibdib si Arci.

Ito naman ay alam ng boyfriend niya.

“Actually nung nakita niya, sabi niya, ‘Ano yan? Ang ganda. Saan nakakabili ng ganyang sticker?’ Hindi ko masabi na piercing kasi alam ko na magagalit siya,” ani Arci.

Natutuwa raw sa kanya ang BF niya dahil pagiging adventurous niya.

“Nabibigyan ko ng spark ang kanyang boring life. He’s always busy sa business and ako naman itong baliw, spontaneous lang na hahatakin siya anywhere. Tapos siya naman yung nagco-control sa akin kapag sobra na ang aking kabaliwan kagaya ng mga piercings and tattoos,” saad ni Arci.

So, kelan ang kasal?

“Napag-uusapan (na namin ‘yung kasal) but maybe in a few years. I am 30. He’s turning 40 so medyo siya ‘yung mas nape-pressure. I think I am ready whenever. I think I am in the right age naman na po,” sagot ni Arci.

Ayos! (DELIA CUARESMA)

comments