Home » Entertainment » Sharon, Gabby di pa rin bati

Sharon, Gabby di pa rin bati

 

GABBY Concepcion and Sharon Cuneta

GABBY Concepcion and Sharon Cuneta

HINDI pa rin pala bati si Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Akala ng marami nagkaayos na ang dalawa noong gumawa sila ng commercial kamakailan lang.

May usap pa nga na gagawa sila ng pelikula muli pero hindi natuloy iyon.

May problema pala ang dalawa na nauwi na naman sa dedmahan.

Nang tinanong nga ng isang netizen kung nagkabati na sila ng dati niyang asawa, ani Sharon: “No pa nga eh. Hayaan na natin buti na ganito.”

Anyway, marami ang na-touch sa pinost na birthday message ni Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang panganay na si KC Concepcion.

Nag-turn 33 years old si KC noong nakaraang April 7 at nag-throwback si Shawie ng mga baby pictures ni KC sa kanyang Instagram account.

Naging very emotional si Sharon sa kanyang post na aniya:

“To my beautiful, beautiful baby #1, who, no matter how many other babies I have been blessed to have, will always own the distinction of being the very first human being who completed my existence, made me feel the bliss of being a mother, and giving me reason to live, especially through the toughest times of my life. You are in my heart of hearts and always will be my baby, no matter how big and old you get! I love you with all my heart and cannot express in mere words just how very proud I am of you. Happy Birthday, my Cucai, Tutti, Kitina, Toot! May all your dreams come true this year! Forever and ever, your loving Mama.”

Marami pang mga close kay KC ang nagpadala ng kanilang greetings at pinuri nila ang magandang relasyon ng mag-ina. Bilang pasasalamat, ito ang pinost ni KC sa kanyang IG:

“Thank you, beautiful people, for the love, to all those who remembered me especially at midnight Philippine time! Your greetings mean the world and I’m sending my happy vibes out to you wherever in the world you are.” (RUEL J. MENDOZA)

comments