Hi Ms. Rica,
Gusto ko po tumigil sa pagbabate ngayong Holy Week. Kaso nga lang po, nakakaramdam pa rin po ako ng libog. Normal po ba ito? Ano ba ang mga pwede kong gawin para mawala ang libog ko? Feeling ko po kasi nagkakasala ako pag gagawin ko ngayong Holy Week.
Thank you po.
Hello Wannabe Urgeless
Hello Wannabe Urgeless,
Salamat sa pagiging honest mo. Kahit naman sino ay pwedeng magkaroon ng sexual urges, desires, and feelings, kahit na nagdecide ka na hindi ka gagawa ng kahit anong related dito. These sexual desires and urges are normal and part of our functioning as human beings. Hindi nangangahulugang masama ka nang tao dahil ikaw ay may libog sa katawan. Normal lang ang libog. Halos lahat ng tao ay nakakaramdam ng libog sa kahit anong oras, at lahat tayo ay may choice sa kung anong gagawin natin dito.
Kung ano man ang choice mo, healthy para sa iyo na i-acknowledge na ikaw ay nalilibugan. Huwag mo itong idedeny. In your case, kailangan mo munang tanggapin na normal lang ang libog sa iyong katawan kahit Holy Week. Tapos ay gumawa ka ng choice na hindi ka mag-eengage sa kahit anong sexual behavior.
Now, ano bang pwedeng mong gawin para hindi ka matempt na magbate o makipag-sex ngayong Holy Week? Kailangan ay maichannel mo ang energy na ito sa ibang gawain. Kapag naramdaman mo na na nagkakaraoon ka ng sexual urge to touch yourself or be sexual with another person, you may engage in the following activities and be able to release this energy in the form of exercising, watching TV, playing video games, at iba pa. Ano pa ba ang mga hilig mong gawin? Pwede kang kumanta, sumayaw, o makipagkwentuhan. Ang importante ay mailabas mo ang energy na iyong nararamdaman. Kung gusto mo, pwede ka ring mag meditate o magdasal. The more time you spend on these other activites after you feel the urge to do something sexual, the easier for you to let the sexual energy go.
Ilan lang ito sa mga bagay na pwede mong gawin to redirect your sexual energy. Though it may be challenging at first, lalo na kung sanay ka na ikaw ay nagbabate at sexually active, basta maglagay ka ng effort sa pag redirect ng iyong energy, kayang kaya mo ito! Good luck and have a good Holy Week!
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.