Home » Entertainment » Matteo Guidicelli pinuri ang Metropolitan Manila Development Authority

Matteo Guidicelli pinuri ang Metropolitan Manila Development Authority

timing box

 

 

SA halip na magalit, na-impress pa si Matteo Guidicelli sa ipinadalang letter sa kanya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Nahuli sa CCTV camera na may violation ang kanyang driver, kaya pinagmulta si Matteo.

MATTEO Guidicelli (IG)

MATTEO Guidicelli (IG)

Saludo siya sa MMDA dahil ginagawa nito ang trabaho. Nagbayad siya ng kaukulang multa sa nagawang violation ng kanyang driver. Hinangaan ng netizens si Matteo dahil kung sa ibang celebrities daw nangyari ‘yun, baka nagmaangas pa at ipamukha sa MMDA kung sino siya.

Samantala, pagmamahal sa bayang Pilipinas ang nagbunsod kay Matteo para mag-join sa Philippine Army. Sa kabila ng pagtutol ng kanyang parents at girlfriend na si Sarah Geronimo, hindi natinag si Matteo sa desisyon niyang maging bahagi ng Army Reserved Command (ARESCOM). Army reservist na siya ngayon.

Ayon sa netizens, kahanga-hanga si Matteo dahil hindi naman siya purong Pilipino. Half-Italian, half-Filipino siya. Daig pa raw ni Matteo ang ibang full-blooded Pinoy sa pagmamahal niya sa Pilipinas.

By the way, how true kaya ang tsika na diumano, soon or before the year ends ay magpapakasal na sina Matteo at Sarah? Abang-abang na lang!

 

NADINE Lustre (IG)

NADINE Lustre (IG)

SIYA NA KAYA?

Wala pang official announcement ang Star Cinema kung sino ang napili para gumanap na Darna. Matunog ang pangalan ni Nadine Lustre na ewan kung nag-audition siya.

Nag-trending sa socmed ang pagsigaw niya ng “Ding, ang bato” at “Darna!” In fairness, marami ang nagsabing bagay kay Nadine maging Darna. Pasok siya sa criteria na hinahanap para sa iconic role.

Pinay beauty dahil morena siya. Maganda ang katawan, sakto ang height at edad niya. Kakayanin din siguro ni Nadine ang intense training para sa fight scenes.

Wait and see na lang kung sino finally ang gaganap bilang makabagong Darna.

 

SHARON Cuneta

SHARON Cuneta

WALA NA

Kahit friendship, hindi na umaasa si Sharon Cuneta na magkakaroon sila ni Gabby Concepcion. Wala na talaga.

Wala na raw siyang nararamdamang pagmamahal o malisya sa kanyang ex-husband. Deadma or no reaction naman si Gabby.

Huwag na rin sanang umasa ang Sharon-Gabby fans na matuloy ang reunion movie ng kanilang mga idolo. Sa panaginip na lang siguro mangyayari ‘yun.

comments