Home » Entertainment » KC Concepcion, miss magpa-sexy

KC Concepcion, miss magpa-sexy

 

KC Concepcion (IG)

KC Concepcion (IG)

AMINADO ang panganay ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion na sobrang nami-miss na niya ang mundo ng showbiz at pag-arte.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng aktres na parte ito ng kanyang “realization” na bunsod ng pagdalo niya sa US premiere ng pelikulang “Yellow Rose” na pinagbibidahan nina Eva Noblezada at Lea Salonga.

Kasabay ng papuri niya sa mga bida at sa pelikula mismo, ay lumabas ang kanyang pagka-inggit!

Ang ending, napa-post tuloy si KC ng isang eksena mula sa kanyang pelikulang “Boy Golden” na naging kalahok sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Pero ang mga nakapag-nginig sa followers ay ang clip showing her gyrating and touching her boobs while she striptease seductively!

“…Because I’m in the MOOD Ohh man I’d play fierce roles like her again and again… Nang dahil sa #MetGala2019 napa post ako nito eh! Namimiss ko na umarte ha!!!” sabi niya.

Habang may mga natuwa, as usual mayroon ding umalma.

Bulalas ng isang netizen, seductive dance was not suited to KC.

“Honestly this act doesn’t suit for such an elegant woman even it’s just a movie,” ani to.

Sumagot naman si KC at sinabing ang pag-gawa ng mga ganitong klaseng role ay nakatulong sa paghasa ng kanyang kakayahan bilang aktres.

“Thank you for your kind words. However I would like to think that this is the whole point of exploring your versatility as an actress,” saad niya. “To get out of the normal roles we usually play and also our persona of us as just ‘celebrities’ and actually bring to life a daring character that may or may not exist- as an actress, to serve a story and tell it through film, to work under a reputable film director and have a movie be breaking stereotypes and pushing your boundaries and to be part of a local film festival are all fulfilling -especially for people like us who have been in the mainstream for so long.”

Kabog! (DELIA CUARESMA)

comments