Home » Entertainment » Katrina Halili biglang nahilig

Katrina Halili biglang nahilig

 

KATRINA Halili (IG)

KATRINA Halili (IG)

BIGLANG nahilig sa pagluluto ngayon ang Kapuso star na si Katrina Halili

Hula ng iba na baka gustong magpa-impress ni Katrina sa kanyang nababalitaang non-showbiz boyfriend.

‘Di kaya?

Sa kasalukuyan ay nagte-take ng culinary classes si Katrina under Heny Sison.

Nito ngang huli ay nag-post pa siya ng litrato niya na naka chef’s uniform sa Instagram.

Ani Katrina, marami na raw siyang natutunan na lutuin.

In fact, marunong na siyang gumawa ng tinapay.

Dahil sa hilig na magluto ni Katrina ngayon, nangangamba ang mga fans na baka raw biglang tumaba ito at mawala ang kanyang sexy figure na kamakaraan lang niya naibalik.

Hinay-hinay sa pagkain Kat. Ang patabain mo na lang ang iyong bagong inspirasyon. (RUEL J. MENDOZA)

comments