Home » Entertainment » Matinik na beauty-queen actress

Matinik na beauty-queen actress

 

kampupot

 

GRABE ang beauty-queen actress na ito huh?

Aba’y palipat-lipat ng kanlungan na akala mo bubuyog.

Ito nga at napag-u-usapan na ang malimit niyang pakikipagkita sa isang bachelor senator.

Ang huling kita sa kanilang magkasama ay sa Hong Kong kunsaan shopping galore daw ang drama ng hitad na tila walang pakialam sa mundo.

Well, wala naman siyang inaapakan o sinasaktan, ‘diba?

Pero kasi parang kailan lang isang mayor ang kinagiliwan niya.

Napabalita pa nga nang minsan maaksidente sila.

Baka na-trauma ang dalana este, dalaga?

Hay naku, hindi ako magtataka kung sa susunod ang presidente na ng bansa ang target niya.

Aba’y nagle-level up parati, eh.

Una niyang naging jowa ay aktor, sunod naman aktor-model.

Siguro mas madatung ang politiko?

Weird lang kasi dahil hindi pa naman siya laos.

May ongoing project sa sikat na istasyon ang maganda at sexy nating subject.

Alam na! (DELIA CUARESMA)

comments