PINAGDIINAN ni Baron Geisler na patuloy ang pagtahak niya sa landas ng pagbabago bagama’t aminado siyang mahirap ito para sa katulad niya.
“Kahit anong galing mo, parang sa workout, kailangan 10% lang ‘yung talent, 90% ang attitude. I’m doing my best to be a better person,” ani Baron sa “Magandang Buhay.”
Ito nga rin daw ang inamin niya kay Coco Martin at sa pamunuan ng ABS-CBN nang kuhanin siya ng mga ito para sa isang markadong role sa hit TV series na “FPJ’s Ang Probinsiyano.”
“Sabi ko hindi ako mangangako, I will just do it. Kasi itong disease o problema (ko), itong nangyari sa akin, you take it one day at a time and it’s a conscious effort, conscious decision to fight for your life, for your sobriety, for your mental health daily,” sey niya.
“It’s not a joke. Aside from that, you have work, you have your family, you have your loved ones. It’s sometimes… magulo. Pero with God nothing is impossible. He will give you strength. He gives me strength daily,” dagdag pa ni Baron.
Laking pasalamat nga daw niya sa mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanya, katulad ng kanyang kapatid na si Donnie Geisler.
“I actually just want to apologize to him. I’m sorry, Bro, I never listen. You were just like fending out for me. I was living a bohemian lifestyle and I thought I was just an artist and all of that but it didn’t work out. Now, I understand what you really mean. Even when mom was alive. I love you very much, man. And thank you for supporting me all throughout hanggang ngayon,” ani Baron.
Ano ang payo niya sa mga taong katulad niya?
“It’s all about accepting that you have a problem. Second, ask God right away for help. Thirdly, ask people for help because nobody can do it alone,” diin niya. (DELIA CUARESMA)