Home » Entertainment » Hunk actor, kolektor ng sexy videos at photos

Hunk actor, kolektor ng sexy videos at photos

 

kampupot

 

 

NAKU! Dapat mag-ingat ang mga chikababes sa hunk na aktor.

Aba’y ang tsis­mis ay kolektor daw ito ng mga incriminating video at photos ng kanyang mga nabihag.

Naka-save nga daw ito sa isang laptop na kapag nasa umpukan ng barkada, pinag­yayabang at pinasisilip daw ni hunk aktor ang mga videos at photos sa mga kaibigan.

Ang galing, ano po?

Isa ang aming source sa maswerteng nakasilip ng mga ito. Ang ilan daw sa mga bida sa mga videos ay pawang mga sikat na talents ng isang kilalang istasyon.

Nagulat pa nga ang source namin nang makita ang mahin­hin na aktres sa koleksyon.

Ika niya ay grabe daw ang ginagawa sa video na akala mo ay pornstar.

Magaling si Manoy. Pabait ang effect. Pero, obvious na sa karamihan ang kanyang modus.

Minsan na rin nga itong nahuli ng kanyang current girlfriend na sikat na aktres. Hiniwalayan pa nga siya nito nguni’t ‘di kalaunan ay nakuha din sa suyo.

Ngayon nga daw ay game na game na magpa-video ang aktres kasama si hunk, dahil nangako ito na kapag willing siya magpa-video, hindi na siya magloloko.

Uto-uto! (DELIA CUARESMA)

comments