Home » Entertainment » JM de Guzman ayaw tantanan ng bashers

JM de Guzman ayaw tantanan ng bashers

 

JM de Guzman (FB)

JM de Guzman (FB)

HINDI pa rin matigil ang mangilan-ngilang bashers sa pag-atake kay JM de Guzman.

Kamakailan lang, nag-post ng maikling video si JM na related sa sikat na “bottle cap challenge” na kinagiliwan ngayon gawin ng ilang mga celebrities.

Mukhang nagpapakwela ang binata dahil sa una, akala mo ay may kakaiba siyang gagawin, ‘yun pala ay bubuksan lang din niya sa normal na paraan ang bote.

Marami ang naaliw, kasama na ang ilang kaibigang artista ng Kapamilya actor.

Pero may ilan din na nag-komento na parang pinapalabas na hindi pa rin nagbabago ang aktor – going on to allude to his past involvement in illegal substances.

Ani nga ng isa, “bog na bog na naman.”

Although tila napikon, isang magandang dasal na lang ang ipinost ni JM:

“God, grant me the Serenity to accept the things I cannot change; Courage to change the things I can and Wisdom to know the difference. Living one day at a time; Enjoying one moment at a time; Accepting hardship As the pathway to peace. Taking, as He did, This sinful world as it is not as I would have it. Trusting that He will make all things right If I surrender to His will. That I may be reasonably happy in this life, And supremely happy With Him forever in the next.”

Good job, JM! (DELIA CUARESMA)

comments