Home » Entertainment » Matteo Guidicelli umiwas?

Matteo Guidicelli umiwas?

timing box

 

 

PRESENT ang pamilya ni Matteo Guidicelli sa launching ng bagong ad campaign ng Sun Life Financial, ang “Kaakbay: Stories of Lifetime Partnerships.”

Sa Kaakbay video niya, sinabi ni­yang ang namayapa niyang Nonno (lolo) ang kanyang inspirasyon. Self-made man ito sa Italy.

MATTEO Guidicelli

MATTEO Guidicelli

Unang apo si Matteo at nagta-travel mula Italy ang kanyang Nonno para madalaw siya sa Pilipinas. May bahay sa Cebu ang pamilya ni Matteo.

In honor sa kanyang Nonno, nag­tayo ng dalawang Italian restaurants ang pamilya ni Matteo.

Sa naturang event, natanong si Matteo kung si Sarah Geronimo na kaya ang magiging lifetime partner niya? Aniya, wala siyang nakikitang ibang babae kundi si Sarah na ang “the one” for him. Paiwas ang sagot ni Matteo nang tanungin tungkol sa kanilang engagement. Ipagdasal na lang daw siya and hopefully darating ‘yun soon.

Ano’ng plano niya matapos ang mili­tary training niya? Ani Matteo, normal pa rin ang buhay niya bilang artista. May mga project siyang gagawin.

 

ENCHONG Dee

ENCHONG Dee

EMOTIONAL

Emotional si Enchong Dee sa “Kaakbay” videos nang ibahagi niya ang pinagsamahan nila ng namayapa niyang swimming coach na si Caloy. Ito ang naging mentor at tatay-tatayan niya.

Natutunan niya ang self-discipline, mag-praktis mabuti para ma-achieve niya ang kanyang goals bilang swim­mer.

Noong nag-artista na si Enchong ay isinantabi niya muna ang pagiging swimmer. Parati siyang pinapaalala-hanan ni Coach Caloy na balikan niya ang swimming. Parati siyang nag­dadahilan na busy siya hanggang nabalitaan niyang namatay ito.

Ito ang itinuturing niyang lifetime partner dahil sa magagandang aral na natutunan niya mula rito.

Anyway, mapapanood ang “Kaak­bay” videos sa Sun Life’s YouTube channel, @SunLifePH, simula sa July 13. Ang mga manonood ay may tsansang manalo ng trip for two sa Singapore by sharing their own stories of lifetime partnership on @SunLifePH on You Tube or Face Book.

 

PIOLO Pascual and John Lloyd Cruz

PIOLO Pascual and John Lloyd Cruz

HAPPY

Ayon kay Piolo Pascual, nasa happy place ngayon si John Lloyd Cruz. Nagkita sila recently sa isang event at nagkuwento si JLC tungkol sa anak na si Elias Modesto.

Proud and happy father daw si JLC. Wish ni Piolo na magbalik-showbiz na si JLC at magkatrabaho sila muli.

comments