Home » Entertainment » Sugar Mercado nami-miss ng netizens

Sugar Mercado nami-miss ng netizens

 

SUGAR Mercado (IG)

SUGAR Mercado (IG)

MARAMING nagta­tanong na netizens kung bakit daw hindi na nila napagkikita si Sugar Mercado sa show ni Willie Re­villame sa GMA-7 na “Wowowin.”

Ilang linggo na ngang no show ang dating Sex­bomb dancer sa palabas . May mga followers na nagco-com­ment sa Insta­gram account mismo ni Sugar kung tinanggal na raw ba siya sa show, pero walang imik ito.

May ilan na­man na nag-i-speculate na baka raw nasa bakasyon lang si Sugar.

Obvious na marami ang nakaka-miss kay Sugar sa show. Ilang taon na rin kasi siyang co-host ng palabas.

Sa latest post ni Sugar sa kanyang Instagram kasama niya ang mga cancer patients na nag­pa-picture sa kanya at may picture na kasama niya sila Ogie Diaz at Donita Nose.

Mukhang nagpa­paka-busy ngayon ang dating taga “Eat Bulaga” sa makabuluhang activities at sa kanyang dala­wang anak.

Matatandaang last year, naging i ssue ang pag­bibigay ni Wil­lie Revillame ng white Toyota car as Christmas gift kay Sugar.

Naunsyami na ba ang kanilang magan­dang samahan? Hopefully, mag­salita na si Sugar o si Willie mismo tungkol dito. (DANTE A. LAGANA)

comments