MASAMA pala ang loob ni Arnell Ignacio kay Long Mejia.
Ito ay dahil sa isang wig na kinuha ni Long sa tindahan niya na Creative Hair Systems sa Greenhills na hindi pa diumano nababayaran magpasahanggang ngayon ng komedyante.
Ayon sa isang ulat sa Pep, napilitan diumanong umamin si Arnell sa tsismis, dahil na rin sa sama ng loob kay Long.
Ang kay Arnell daw eh dapat nagpasintabi man lang daw si Long sa kanya at kung sakali ay pagbibigyan naman niya ito na huwag na muna bayaran ang wig.
Kawawa naman daw ang mga staff niya.
Anyway, nangyari daw ito ng kasagsagan ng huling eleksyon kung saan tumakbo rin si Long nguni’t natalo ito.
Take note ang original na presyo ng wig ay P38,000. Binabaan pa nga daw ni Arnell ito at ginawang P25,000.
Bakit kaya hindi pa bayaran ni Long ito kung totoo man?
Madalas din naman siya sa “Minute To Win It” ng Dos.
Magsalita kaya siya tungkol dito? (Delia Cuaresma)