INAABANGAN ng marami ang posibilidad na magkaroon ulit ng mainit na giyera between Gretchen Barretto and Marjorie Barretto sa mga darating na araw.
Ito ay dahil sa tila pagkampi ni Gretchen Barretto kay Bea Alonzo.
Nag-iwan kasi ng isang heartwarming comment si Gretchen na “I love you my dearest one” sa cryptic post ni Bea na ayon sa ilan ay tungkol sa tuluyang pakikipaghiwalay nito kay Gerald Anderson.
Si Julia Barretto, anak ni Marjorie at pamangkin ni Gretchen, ang tinutukoy na third party sa kaguluhan.
Maraming netizens ang nag-react sa comment na ito ni La Greta.
Sey ng isa, “Ba’t kasi sya nag comment dito e pamangkin naman nya si Julia?”
Dagdag ng isa pa, “Kagabi pa ako naghihintay ng reply from the one and only ALTA. Finally!!!
May matagal nang feud ang magkapatid na Gretchen at Marjorie.
Heto ang naging sagot noon ni Gretchen sa tanong kung may pag-asa bang magkaayos sila ni Marjorie:
“I value my life, my mental health, my peace and my finances. I am not ready and I don’t think I will ever be for Marjorie.”
Hintayin na lang natin ang reaction dito ni Marjorie. (RUEL J. MENDOZA)