Home » Entertainment » Nadine Lustre ayaw makatambal sina Daniel Padilla, Gerald Anderson

Nadine Lustre ayaw makatambal sina Daniel Padilla, Gerald Anderson

timing box

 

 

KUNG ayaw makatambal ni Kathryn Bernardo si James Reid, ayaw ding maging leading man ni Nadine Lustre si Daniel Padilla. Para raw iwas-gulo at intriga.

What if, maganda ang material, tatanggi pa rin kaya sina Kathryn at Nadine na makatambal sina James at Daniel, respectively?

NADINE Lustre (IG)

Ayaw ding makatambal ni Nadine si Gerald Anderson. “Basta” lang ang sinabi niya sa “Tonight with Boy Abunda” nang tanungin siya kung gusto ba niyang maging leading man si Gerald.

Afraid kaya o umiiwas lang si Na­dine na baka ligawan siya ni Gerald sakaling magtambal sila sa isang project?

Oh! well….

 

NO THIRD PARTY DAW, O!

Lalong nadagdagan ang haters ni Gerald Anderson matapos siyang magsalita tungkol sa break-up nila ni Bea Alonzo. Walang naniwala sa mga pahayag ni Gerald sa interbyu ng ABS-CBN reporter na si Ganiel Krishnan . Kesyo, nag-umpisa sa small fights hang­gang nagkaroon sila ng big fight.

GERALD Anderson (FB)

GERALD Anderson (FB)

Nagkasakitan sila ng loob. Na-realize niya (Gerald) na hindi na healthy ‘yun sa kanilang relasyon.

Kaya ba bigla na lang naglaho si Ger­ald? “Na-“ghosting” niya si Bea?

Ayon pa kay Gerald, walang third party sa kanilang hiwalayan at walang kinala­man si Julia Barretto. Per­sonal issues daw between him and Bea.

Reaction ng ilang netizens, serial wom­anizer daw talaga si Gerald. Sarili lang daw niya ang mahal niya at wala siyang pakialam sa feelings ng mga ba­baeng nakarelasyon niya kung nasaktan niya ang mga ito.

Sinun­galing at cheater daw si Gerald. Dapat daw ay mag­pat ingin na siya sa isang psychologist for treatment, ayon pa sa isang netizen.

 

KULANG

Tatlong Kapuso stars ang pumasok sa Top 40 para sa Miss World-Phil­ippines 2019. Sina Michelle Dee, Isabelle de Leon at Kelly Day. Si Michelle ay anak ni Melanie Marquez (Miss International 1979) at aminin man o hindi , may pressure kay Mi­chelle na maging beauty queen din siya like her mommy.

Kulang ang listahan. Ang alam naming gusto rin mag­ing beauty queen ni Klea Pineda na isa ring Kapuso star. Bakit kaya hindi pa siya nagdyo-join sa kahit ano’ng beauty pag­eant?

 

comments