Home » Entertainment » Benjamin Alves may warning

Benjamin Alves may warning

 

 

BENJAMIN Alves (FB)

BENJAMIN Alves (FB)

NAPIKON ang Kapuso hunk na si Benjamin Alves sa mga akusasyon ng mga netizens laban sa bagong girlfriend nito na si Chelsea Robato.

Marami kasi ang nagsasabi na inahas daw nitong si Chelsea ang aktor kay Julie Ann San Jose.

May ilan naman na inaakusahan na “makati” itong si Chelsea dahil diumano kaka-break lang sa jowa ay tumalong kaagad kay Benjamin.

Dahil sa mga kuda, hindi nakapagpigil si Ben na sagutin ang isang fan.

Aniya, “Please be mindful of what you say, lest you want serious consequences for your defaming someone.”

Una na rito, nagpahiwatig si Ben na gusto raw niya mas pribado ang kanyang relasyon kay Chelsea.

Ayaw naman niyang linawin kung ano ba talaga ang estado ng relasyon nila.

Ika nga ni Benjamin, “what you see is what you get.”

Ang bottomline daw ay masaya siya sa piling ni Chelsea.

“Let’s leave it at that,” diin ng aktor.

By the way, sa mga gustong makitang hubad si Benjamin, manood na ng “Misterio De La Noche.”

Walang takot na naghubo’t hubad si Benjamin kasama ang leading lady niya na si Solenn Heussaff sa pelikula. (RUEL J. MENDOZA)

comments