Home » Entertainment » Regine Velasquez kalmado lang

Regine Velasquez kalmado lang

 

REGINE Velasquez-Alcasid (IG)

REGINE Velasquez-Alcasid (IG)

NAPABILIB kami kay Regine Velasquez-Alcasid kamakailan.

Ito ay dahil kalmado niyang nasagot ang isang fan na hindi masaya sa performance niya sa 25th Anniversary ng TFC sa US.

Ani ng basher, “I watched your prod with the Divas. You sang On the Wings of Love and you did not hit the right note. For thousands of Filipinos who paid their tickets coming from their hard earned money yet you gave them that performance! Nakakahiya ka! Finale ka pa? Di mo naman maabot!!! Pweeh!!! Wag ka na lang kumanta!!!!”

Masakit man ang tinuran ng fan, nakuha ni Regine mag-eksplika ng maayos dito at humingi pa nga siya ng paumanhin.

Aniya, “I guess kasalanan ko rin naman kasi kahit madaling kanta pinapahirap ko so pag hindi ko binirit disappointed na ang ibang mas mataas pa sa boses ko ang expectations.

“Alam mo iba iba ang bawat pag­kanta minsan depende sa kundisyon ng katawan at boses ng isang mangaawit ang kalalabasan ng kanyang perfor­mance.

“Pero tama ka NO excuses pinaghi­rapan nyo ang perang ipinambayad nyo para manood so you guys deserve only the best.

“At alam naming lahat yan kaya naman kahit may may sakit walang boses naki pag break sa jowa namatayan ng pet at kung ano ano paman, we always give it our best 101 percent.

“But unfortunately we still managed to disap­point some of you.

“Sa maniwala kayo o hindi bago nyo pa na decide na disappointed kayo…. super disappointed na kami sa mga sarili namin. To the point of blaming ourselves for getting sick or not practicing enough or not being able to sleep working so hard or not eating enough or in my case eating too much. And the emotional battle we all have inside….. why didn’t I do this sana ginalingan ko pa sana nag practice pa ko……. But again no excuses.

“We all do what we do because we all love to entertain all of you. Natutuwa kami na sa maikling panahon na pagsasama natin napa­tawa napaindak napasayaw napaiyak napa inlove namin kayo, na sa maikling panahon nakalimun nating lahat na may kanya kanya tayong pinagdadaanan. But thank you for letting me know that I was so bad I will do my best next time. Kasi lagi namang may next time laging may next time to redeem my self. Yan naman ang maganda sa life laging may next time. GOD Bless.”

In any case, to the res­cue naman ang butihing husband ni Regine na si Ogie Alcasid at ang mga celebrity friends nila na ang ilan ay kinas­tigo ang basher sa masamang asal nito. (DANTE A. LAGANA)

comments